?

Log in

The Ultimate Drama Queen... [entries|archive|friends|userinfo]
Tarush!

[ other platform | a YES person, living in a NO environment. ]
[ ZEEno? | si ZEE ]
[ mga dating cheka | CHEKA ]

Taking the Walk - Live Forever [Mar. 25th, 2007|11:46 am]
♥ i am Zee.
link2 ang Panalo|Talo o Panalo?

Taking the Walk - Got a Hold on Me [Mar. 25th, 2007|11:45 am]
♥ i am Zee.
linkTalo o Panalo?

Taking the Walk - Great Divide [Mar. 25th, 2007|11:43 am]
♥ i am Zee.
linkTalo o Panalo?

Taking the Walk - Been There Before [Mar. 25th, 2007|11:41 am]
♥ i am Zee.
linkTalo o Panalo?

Taking the Walk - The Beginning [Mar. 25th, 2007|11:40 am]
♥ i am Zee.
linkTalo o Panalo?

Taking the Walk - The Beginning [Mar. 25th, 2007|11:38 am]
♥ i am Zee.
linkTalo o Panalo?

Taking The Walk trailer [Mar. 25th, 2007|11:37 am]
♥ i am Zee.
linkTalo o Panalo?

Glas... What? [Feb. 2nd, 2007|11:41 am]
♥ i am Zee.
[Tags|, , , ]

Just got home (actually I'm here now at the office). Watched Glas Menagerie with my new buddy Carlo! (luvyah, pare!) It was a great play. I love love love Laurice Guillen. Super aliw sya. I really don't have plans of watching it. First, no funds anymore, second, it's in Ateneo. Tamang lakbay ang katapat nito from Alabang to Katips. But if not because of Arnold who messaged me the other day about it, I really won't be watching. He invited me kasi and he'll give me 2 compli tickets daw. So, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Hahaha. I invited my Kumareng Dyown (who's an Arnold Reyes addict!) kaya lang there was a conflict on her sched. Saka biglaan din kasi. Good thing it's my off today. So, I decided to invite Carlo to join me. He was supposed to watch this Saturday with his sister, but he decided to accompany me anyway. (Thanks Carlo!!!)

We decided on meeting at Quezon Ave. He'll be coming from work in Ortigas, and ako naman mula pa sa bulubundukin ng Laguna. Hahaha. Ngayon na lang uli ako nakasakay ng MRT kaya shokot na shokot ang lola mo at baka maligaw ever. Good thing, di naman nangyari yun at pagbaba ko ng Quezon Ave, eh nandun na si Carlo to meet me up. We hailed a taxi to Ateneo, and when we got there Arnold messaged me to look for JJ kasi nasa kanya raw ang ticket namin. Most ng nanood eh mga students. The theater is intimate din like HB, and ok na ok yung pwesto namin. I really enjoyed it, though, nabother kami sa ending. I recommend this play. You have to catch it. Promise!

When the play ended, gusto ko talaga mameet si Laurice Guillen, pero ang tagal nya lumabas. Magpapaka fangirl/boy pa sana kami ni Carlo but dumating na rin si Arnold and niyaya na kami umalis. Naloka ako kay Arnold dahil super ask ang Koya ng mga kakaibang questions about sa play. Parang nanghuhuli kung inintindi ba namin. Hahahaha.

Zee: Nakakapanibago naman yung role mo. (by comparing his role Jim in Glas from his other roles such as Dodong in ZZZZM, Dax in Payb/Siks and Kulas in Huling Araw)

Arnold: Bakit naman?

Zee: Wala... Nag eenglish ka eh. Hahahaha.

Arnold: Well...

Kaloka! but I really do recommend this play. As in. It will run until the end of Feb ata.
linkTalo o Panalo?

Glas Menagerie. [Jan. 31st, 2007|01:11 pm]
♥ i am Zee.
[Tags|, ]
[Ako'y |excitedexcited]
[Awit Ko |Love Heals - RENT Ensemble]

Tanghalang Ateneo closes its 28th season, A Season of Awakening, with Tenessee Williams': The Glass Menagerie, a drama showcasing the fragile bonds of family life.

This American favorite launched Williams to fame in the 40's. Amanda Wingfield's dreams for a better life for her daughter, the cripingly shy Laura, prompts her to ask her son Tom to invite a gentleman caller for dinner. The coming of Jim, Laura's high school crush, enlivens the Wingfield household until Jim descloses the unexpected news that changes everyone's lives forever.

Film director, Laurice Guillen, makes her theater comeback on the Ateneo stage as Amanda and for the first time performs with real life daughters Ina and Ana Feleo who altenates as Laura. Joining them are Ronan Capinding and Jake de Leon, alternating as Tom, and Arnold Reyes and Randy Villarama alternating as the gentleman caller Jim. Director Ricardo Abad and National Artist for the Theater Design Salvador Bernal re-team to set the play in circa 1930s. Jonjon Villareal handles the lighting design, while Von de Guzman infuses the play with his original music.

Ateneo de Manila University (Quezon City)
For more details, please call Pia Bonales at 0917-4414434

Feb 1, 2007
7:00:PM

Feb 2, 2007
7:00:PM

Feb 3, 2007
2:00:PM

Feb 8, 2007
7:00:PM

Feb 9, 2007
7:00:PM

Feb 10, 2007
2:00:PM, 7:00:PM



I'm watching tomorrow. Oooohh, Laurice Guillen! Thanks for the compli tix, Arnold!
linkTalo o Panalo?

KJWAN-sss AGAIN! [Jan. 26th, 2007|08:48 am]
♥ i am Zee.
[Tags|]
[Ako'y |happyhappy]
[Awit Ko |FOCUS - Kjwan]

Yesterday, I met up with my friend Tin-Tin at Alabang. After running an errand, we both decided to head at ATC and hang out for a quick caffeine fix. My tongue's yelling "I want Vanilla Latte! I want Vanilla Latte!" So we settled on Coffee Bean. But when we're about to make our way to the cafe, guess who I saw? Jun and Kelley! They have a Tower gig that afternoon. Oh my! It has been almost a year since I last saw those guys. Super miss! A bit of chit chats here and there, then me and Tin decided to head out first at Coffee Bean. Quality time muna kami ng anak ko. hahahaha. Pero, I made sure I head to Tower to meet up with Jowl first. I miss that guy so much. Konting kamustahan, then me and Tin left na muna and told Jowl na babalik na lang ako at around 6:00. Aba, napasarap ang kwentuhan namin ni Tin, and I realized it was almost 7. When we got back, the set's finished na and it's already Meet and Greet. hahahaha. Kaloka!

Oh my! Nothing has changed.I can't help but reminisce. hahahaha. Seeing those highschool people sneaking in to get in line para lang makatabi sa picture si Marc Abaya. hahaha. Priceless! Nakikita ko ang sarili ko sa kanila before. And I realized how lucky I am na sa tinagal tagal ng di ko sila nakita eh, they still remembered me.

And tuwang tuwa ako kay Marc. He asked for my name kasi. So i was like, "oh my! you don't remember me anymore? i used to watch you guys before. i'm always with Paolo. It's Z!" And he was like, "oh yeah, PAOLO! i don't see him anymore. what's up with Paolo?" Then I told him di na rin kami nagkikita. Tapos, chinika ko sya and told him na I saw him watch Ze Muzikal. I was so surprised when his face lit up! As in! He was like, "Oh yeah! I love the play! The movies kinda funky though." Nagulat talaga ako kasi nakipagkwentuhan na talaga sya about Zsazsa Zaturnnah. Di ko na babanggitin yung mga napagkomentuhan namin bout sa play at sa movie. hahahahahaha. Baka may mga magreact pa dyan. Anyway, naloka lang akech ng konti kasi since then di ko pa talaga nakakausap ng matino si Marc. Sa kanilang lahat sya lang yung di ko maaproach. As in, never. Kasi naman parang laging nagmamadali. Hahaha. So natuwa talaga ako nung nagkwentuhan kami. Ang kulit. I was about to make a joke na sana yung mom na lang nya nag direct nung Ze Moveeh, baka manalo pa, yun nga lang magiging drama. Hahahaha. Basta, natuwa talaga ako kay Marc yesterday. Super compare talaga sya sa Ze Moveeh at Ze Muzikal. Laughtrip! nagkasundo kami. hahahaha.</span></p>

After, I went ahead na rin. Bid them goodbye na and left. Hay. Kakalungkot, matatagalan na naman siguro bago ko sila makita ulit. All of them were like, "Z! Where have you been?" Ito, kumakayaod, para may pambili ng luho! hahahaha. Oh well, next time...

To Marc, Boogie, Jorel, Kelley and J-hoon, yo estare amando te hasta el fin del mundo! Kita kits ulit.:)




link2 ang Panalo|Talo o Panalo?

Ubo, Ubo, Ubo... [Jan. 15th, 2007|10:32 am]
♥ i am Zee.
[Ako'y |sicksick]

Hay naku! I think smoking has taken it's toll on me na! Sobra na ang nararamdaman kong pag ubo. Nakakaloka! Habang nagca-calls ako, eh minsan kailangan ko pang i-place on hold yung customer para lang bigyan ng pagkakataon ang sarili kong maka ubo! Pinipilit ko nang di magyosi pero ang hirap. Parang lalo akong uubuhin eh.</p>

Anyway, maiba naman tayo... Actually di na iba 'to lalo na sa mga taga subaybay (kung meron man) ng aking walang kalatuy latoy na blog.


Last Friday night, Carlo texted me if I will be available on Saturday to finally claim my tickets for Ze Muzikal. And because of my kaka schedule, I wasn't able to guarantee an answer right then and there. So I told him I'll notify him early next morning. I called him around 6am (during my last break) and informed him that I'll try meeting him right after my shift at around 10. But it seemed that it was too much of a hassle on his sched. He needs to deliver tickets to other places din kasi. So I just decided to meet him na lang later that afternoon. We decided to meet at Greenbelt, which is the most steady place in Makati. (pooch ang Glorietta sa dami ng tao! nakakaloka!) So we agreed on meeting up at Coffee Bean. I arrived an hour late (around 6) because I was caught in traffic going to Ayala. He informed me that he met up din pala with Hogi, another online buddy of mine. So that made me more excited to finally meet the both of them. When I got to Coffee Bean, naloka ako kasi di ko alam kung sino sila dun. Buti na lang, tama yung nilapitan ko. Sila nga yun! hahahaha.


Hours were spent talkin' mainly about the play. Then we'll try to think of other topics to discuss, but what's funny is that at the end of every conversation, we'll just go back and talk about Ze Muzikal. Actually I do most of the talking! Sapat na dun sa dalawa ang tawanan ang mga jokes at kwento. I must have had shared my whole life story with them that time. Adik!!! hahahaha!


Anyway, I enjoyed their company talaga. (Alam ko kasi babasahin nila ang entry na 'to! hahaha! Joke lang guys!) And I want to thank you guys for staying with me until 9 just to kill some time. (May shift pa kasi ako ng 11 so di ko sila pinauwi. hahahaha.)


Sana maulit to sa 28. Kita kits ha! :)


EXCITED NA KO SA PLAY!

linkTalo o Panalo?

Yo-Zee [Jan. 12th, 2007|08:39 am]
♥ i am Zee.
[Tags|, ]
[Ako'y |rejuvenatedadik!]
[Awit Ko |Irreplaceable - Beyonce]

Ang bisyo talaga pag nasimulan mo na, ang hirap na tanggalin. Kahit anong gawin mong pigil, go nang go pa rin. Hay naku, ewan ko nga ba. Bakit ganun? Ang yosi parang Pringles, "once you pop, you can't stop!" Tangna, tuwing magkakapera na lang ako, sa yosi nauubos ang anda ko. Alam mo yun, basta may yosi, ayus na. Meron ako parating reserba sa bag ko. Mahirap nang maubusan. Nakakatawa nga eh. Kasi tuwing nasa work ako, parating nasa may tabi na ng computer ko ang yosi. Para ready na pag break time. Di na kailangang pumunta pa sa locker para kunin sa bag. Kaya minsan nakakaloka pag yung mga teammates ko nagsasawa sa yosi, sakin inaabot. Minsan tuloy dalawa o tatlong kaha yung nasa station ko.</p>

Isang beses, nung ISD pa lang namin, pinasalubungan ako ng friend kong si Arvin ng isang kaha ng Salem. Sa totoo lang di ako gumagamit ng brand na yun. Pero, gora pa rin. Sayang ang grasya eh. Saka imported. hahahaha. Tapos, si Rheena rin, napagtripan lang bumili ng Marlboro. Parati nya kasing pinapangako sa sarili nya na di na sya magyoyosi pero lagi syang naiinggit samin pag nandun na kami sa yosihan. Ang ending, sakin din napunta yung isang kaha. Tapos nung New Year, sa dahilang masyado nang blue ang outfit nya lahat sa kanya, (FYI: teeshirt, pants, shoes, bag, AT YOSI!) naisipang ibigay samin (na sa huli sakin din napunta) ni Chase, ang kulay blue nya na Dunhill. Nakakaloka!


Di rin ako maselan sa yosi. Pag may anda, naku, paborito ko yung Dunhill Lights saka West Ice. Pag yun ang yosi ko, malamang akinse o atrenta. (gets? hahahaha) Pero pwede rin akong Marlboro o Winston. Pag Marlboro kahit ano oks lang. Reds, Lights o Menthol pa yan, gora! Pag yan ang yosi ko, malamang napadalas na naman ang pag inom ko ng kape. At minsan, binibigyan ako ni Taraa ng paborito nyang yosi na Vogue. Ganun rin si Mareng Gladys na binibigyan ako ng Capri, na di ko masyado trip. Ayoko ng mga slim na yosi, Parang di ko mafeel. Parang di sila totoo. Hahahahahaha.


Pero, may mga yosi rin pala na nakakabwisit. Tulad ng DJ MIX. Ang chaka ng lasa. Parang pochi na binilot sa papel at sinindihan ng Cricket lighter. Hahahahaha. Tangna, di na ko ulit bibili nun. Bwizeth!


Kanina, bumili ako ng Dunhill Senses Frost. Kaya ngayon, wala na akong pera. 

linkTalo o Panalo?

ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh. [Dec. 28th, 2006|02:09 pm]
♥ i am Zee.
[Ako'y |disappointeddisappointed]
[Awit Ko |Ang Ulan - Ze Moveeh Ensemble]

Okaaaay... I was a bit disappointed with the outcome of the movie. I don't know. Maybe I felt that way because I've been such a Ze Muzikal devotee and I can't help but compare it to Ze Moveeh version. Number 1, i can't accept that there were a whole lot of changes on the storyline. Additional characters (such as Aruba, Poldo, Mang Justin, Krystal) that didn't really make a big impact on the story. The annoying fact that in Ze Moveeh, the Amazonistas speak in Tagalog. The costumes that is far far different from what Carlo Vergara had illustrated on his comic book. Some important and amusing scenes weren't even part of the movie. Bastaaaaa! Ang daming kulang at meron din namang nasobrahan.

Although, hats off pa rin ako kay Vincent De Jesus. The best pa rin ang musical arrangement. And not to mention ang napakaganda nilang boses ni Red Nuestro na ipinahiram para sa characters nila Ada (Rustom) at Dodong (Alfred). I can't help na mapasabay sa mga kanta. (Grabe! Sobra ko nang miss ang Ze Muzikal!!!) Pero, ito na naman ako at di mapigilang ikumpara ang treatment ng Ze Muzikal actors sa mga kanta. Di hamak na maganda ang boses ni Zsazsa Padilla, pero iba talaga pag si Eula ang kumakanta ng Babae na Ako. Basta, iba talaga. Saka medyo nalungkot ako kasi di sinali yung Nakakasilaw na Ilaw.

Sa actors naman, wala namang masyadong reklamo. Ok naman si ZsaZsa pero like what I said, at di naman sa pagiging biased, mas magaling pa rin at walang makakatalo kay Eula Valdes sa pagganap ng ZsaZsa Zaturnnah. Si Pops naman, narealize ko na maganda pala sya. Pero mas ok siguro kung si Chin Chin Guttierez yung gumanap. Yung mga Amazonistas, di ko sila masyado na feel. Sayang naman. Pampakulay lang sila sa mga eksena. Si Chokoleit, ok naman, pero di masyado nakakatawa. Parang kulang pa.

On the other hand, si Rustom, hay naku! Ang ganda ganda nya. Although masyado syang ginawang bakla. I mean di naman ganun kagrabe si Ada eh. Pero sa movie, talagang skirt kung skirt. At mama! Ang muk ap, ZUPER. Pero in fairness, nakakatawa sya dun sa scene na nahulugan na sya ng bato. At syempre si Papa Alfred na isa rin sa reasons ko kung bakit ako nanood, hay. Isa syang Dodong. Yun na. Syet!

Well, sa akin lang naman yang mga opinyon na yan. Nag enjoy rin naman ako. And I can't help na ireminisce yung pagiging Zaturnnah devotee ko.

Lalo tuloy ako naexcite sa Ze Muzikal! May bagong Dodong daw! Yahooo!
linkTalo o Panalo?

Pasko. [Dec. 23rd, 2006|01:56 pm]
♥ i am Zee.
[Planet X |sa bahay lang]
[Ako'y |crazycrazy]
[Awit Ko |Love Heals - RENT cast]

/> Una sa lahat, hayaan nyo munang batiin ko kayo ng MALIGAYANG PASKO! well, sa totoo lang di ko masyado maramdaman ang Pasko this year. hindi ko ba alam. parang kahit ilang oras na lang pero parang isang normal na araw pa rin. kahit gaano pa kalaki yung Christmas Tree namin sa sala (na halos umukupa na sa nuong bahay) at kumpleto na ang gifts sa ilalim nito, hay, wala pa rin. dumagdag ang pa ang nakakalokang trabaho ko. OO! may pasok ako mamayang noche buena. kamusta naman yun? nalulungkot nga ako ng bahagya eh, kasi 1st Christmas ko na di ko kasama ang buo kong pamilya. nabuksan ko na nga lahat ng regalo ko eh. saka nabigay ko na rin sa mga mahal ko sa buhay ang mga regalo ko sa kanila, in advance baga. at inaasahan ko na rin ito sa darating na New Year. sana lang di ako maputukan habang nag aantay ng jeep.

natuwa ako kasi nagustuhan ng friends ko yung gifts ko sa kanila. buti naman, nahirapan ako sa pagpili no. lalo na yung mga boylets ko na niregaluhan ko ng wind proof na lighter. panalo ang mga smile ng mga gagooo. haha. simula raw ngayon, wala na raw hiraman ng lighter kasi binigyan ko na sila ng tig-iisa. hahaha. yung dalawa ko naman kumare, nakakaloka sila pa yung di ko pa nabilhan ng regalo. eh sus, Starbucks or Old Spaghetti House lang naman ang katapat namin, enjoy na kami mag celebrate ng Christmas eh.

 


ito nga pala yung Christmas Wishlist ko. pwede na ring New Year's Wishlist para sa sarili ko. sana naman kahit isa may mabili ako. hehehe...
 

 



linkTalo o Panalo?

Last Order Sa Penguin. [Dec. 12th, 2006|02:06 pm]
♥ i am Zee.
[Planet X |Malate]
[Ako'y |amusedzuper zaya!]

Ilang buwan na kong humahagilap ng librong ito. Ayaw Mo Maniwala? Kulang na lang eh ibaligtad ko ang Powerbooks at National Bookstore para lang makahanap. Kilala na nga ako sa Customer Service dahil linggo linggo na lang ata eh ito ang librong hinahanap ko. Isang araw ng Linggo habang abala akong mamili ng mga pangregalo, naisipan kong dumaan sa Powerbooks sa ATC para kulitin lang na naman yung mga tao dun. TAGUMPAY! May kopya sila!

Isang librong may kiliti. Walang eksenang di ka mapapabulalas ng tawa. Medyo tinamaan lang ako sa isang eksena, dati kasi tumatambay din ako sa Common Ground, poota! hahaha!

Sir Tuxqs, ayus! :) Sana, maulit yung play.

Quotable Quotes from the book:

MARIO: At gunpoint you have to choose, you have to eat. Taeng lasang ube, or ubeng lasang tae?

HARLENE: Dun nalang ako sa ubeng lasang tae At least, ube pa rin yun.

TESS: Ako rin, ubeng lasang tae.

TUXQS: Tae nino ba yan?

HARLENE: Yuck!!!

TUXQS: Gusto kong malaman kung kaninong tae. Bakit ba?

MARIO: Tae ni Erap.

TUXQS: Kadiri! Ubeng lasang tae na lang ako.

HARLENE: Yuck, kasidiri!

MARIO: Eh kung tae ni Loi.

TUXQS: Tang ina, yuck!

MARIO: Eh kung tae ni Jude?

HARLENE: Shuckers!

MARIO: Eto ka na. Tae ni Jinggoy.

HARLENE: Yuck! Yuck! Tama na! Ayoko na! Ayoko nang makarinig ng tae! Ayokong kumain ng tae! Ayoko na ng usapang ito! Nakakasuka na. Nasusuka na ko.

MARIO: O sige, suka na lang.Ubeng lasang suka, o sukang lasang ube?


hahahahaha! Panalo!
link2 ang Panalo|Talo o Panalo?

Realidad. [Dec. 11th, 2006|10:09 am]
♥ i am Zee.
Tama nga si Ada ng sambitin nyang "Sa buhay, may mga bagay na di natin maipaliwanag... Gayunpaman, tuloy-tuloy ang buhay. Minsa'y hindi mahalagang malaman pa ang dahilan. Basta nangyayari na lang. Tapos..." Ang dami na namang kaganapang nakakabulahaw sa buhay ko at ng mga kaibigan ko. Iniisip ko nalang, normal naman ang mag away at magkasagutan diba? Yung magkatampuhan at di magkaunawaan. Pero sana, kahit ganun ang pinagdadaanan, maayos pa rin. Sayang naman yung pinagsamahan, tapos matatapos na lang bigla ng dahil lang sa selosan. Hay.

Masaya kahapon. Naisip kong umattend ng Starbucks Party sa ATC. Di nakadalo ang mga kumare kong sila Gladys at Dyown. Pero buti na lang at nandun naman ang mga kaibigan kong sila Marky at Tarah. Medyo seryoso ang usapan, pero buti na lang nung naglaon, masaya na. Ang sarap nung mga libreng pastries. Syempre, sinamantala ko ang pakay ko. Yung free food and drinks! hahahaha. At shetness kasi sa katabing table namin nakaupo si Nathan Azarcon at yung dyowa nyang tisay. Ang gwapooo nya! Si Nathan ha, hindi yung tisay.

Ang outlet ko ngayon pag nadedepress ako eh ay ang pagbili ng kung anek anek. Maliban sa paggasta ko sa kape (tanging kaligayahan), eh napapabili na naman ako ng mga bagay na di naman madaliang kinakailangan. Hay. Nung isang araw, bumili ako ng bagong wallet. Kahit may wallet pa ko, para bang may malakas na pwersa na humila sakin para bumili. Ok naman. Ah,oo nga pala, bago na naman yung pabango ko. Oo, ubos na yung UCB Inferno Pink. Sabi sayo eh, di magtatagal mapapataob ko yun. Ngayon, Clinique Happy Heart naman ang favango kech. Umaapaw na 3,800php ang bayarin ko dahil dun. Kamusta na ko? Bumili rin ako ng bagong sapatos kahapon habang naglilibot. Parang natipuhan ko lang. Yun, bumili agad ako. Namagnet pa ko sa All Flip Flops, pero di ko nga ba alam kung swerte ba o hinda na wala nang size nung type ko na Havaianas. Pero buo na ang isip ko, babalikan ko yun next week. Ang ganda, potah! Mura pa. Saka mukhang ginamit na naman ng nanay ko sa paglalaba yung isa kong Havaianas. Feeling ko lang ha. Di naman ako nambibintang.

Namili na rin ako ng unang set ng regalo ko sa Pasko. Ang sarap palang mag shopping para sa mga mahal mo sa buhay. Pero mas masarap yung kung may sapat kang pera. Yung di mo iisipin yung presyo. Basta ang gusto mo yung maibigay yung hiling talaga nila. So far, may regalo na ko kila Joie at Busie. Pero balak ko pa rin silang regaluhan ng gitara. Baka sa Sabado, umpisahan ko na ulit mamili. Nagyayaya sila Marky sa 168 o kaya sa Greenhills. Bahala na.

Inaayos ko pa yung Wishlist ko ngayong Christmas. Sana lang matanggap ko lahat ng nasa list na yun.

Malapit na yung paborito kong play. (Halata naman diba? Wahahahaha) Paghahandaan ko yun kasi di ko yun pwedeng palampasin. Isa akong deboto ni ZsaZsa Zaturnnah. At nakapanata na ko kay Carlo Vergara na lagi akong manonood.Ayus! :)
link9 ang Panalo|Talo o Panalo?

Zaturnnah Fever. [Dec. 11th, 2006|08:35 am]
♥ i am Zee.
[Tags|, , ]
[Ako'y |excitedexcited]
[Awit Ko |Walang Ibang Pangarap - Didi, Ada, Dodong]



Victoria! Winner! Tagumpay!
linkTalo o Panalo?

Ishtarbaks. [Dec. 5th, 2006|12:16 pm]
♥ i am Zee.
[Tags|, ]
[Ako'y |cheerfulcheerful]
[Awit Ko |Walang Ibang Pangarap - Didi, Ada, Dodong]

Sa wakassssss! Matapos ang araw araw na pagtambay at pagkakape, nakuha ko na rin ang premyo ko. Nakakatuwa naman. Di ko akalain na mapupuno ko within a month. Mabagal pa nga ako sa lagay na yun eh. Hay. Ang lakas ko talaga magkape. Pero hayaan mo na. Masaya naman ako. 


Tuwang tuwa ako sa mga bago kong "coffee buddies". Sila Arvin at J. Di naman talaga nagkakape pero mukhang naaadik na rin. Nahawa na sa kahibangan namin nila Gladys. Aba, VENTI pa ang order! Napapadalas na ah. Lagot pag nalaman ng mga asawa nila. Walang pang gas, pero may pang kape. hahahahahaha!


Tapos na ang misyon ko sa Starbucks, ibig sabihin ba ay magbabalik loob na ko sa Seattle's Best? Namiss ko rin yung White Choco Mocha nila. :) 

link10 ang Panalo|Talo o Panalo?

ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh Full Trailer. [Dec. 4th, 2006|09:23 am]
♥ i am Zee.
[Planet X |Planetang XxX]
[Ako'y |excitedexcited]
[Awit Ko |Victoria! Winner! Tagumpay!]

Courtesy of Tuxqs.


ZsaZsa Zaturnnah Full Trailer



COMING SOON THIS 25TH OF DECEMBER!
link4 ang Panalo|Talo o Panalo?

Pagmumunimuni. [Dec. 4th, 2006|09:17 am]
♥ i am Zee.
[Ako'y |crappycrappy]
[Awit Ko |Doon - Kjwan]

Hay. Minsan nakakatamad talaga ang buhay. Lalo na pag ganun at ganun din naman ang ginagawa mo sa inaraw araw. Masaya naman ako sa trabaho ko. Minsan lang nakakahassle pero ok naman. Nakakaraos din. Buti na lang, motivation ko yung friends ko. Siguro kung di rin sa kanila, di na rin ako tatagal sa industriyang pinasok ko. Chos! Pero seryoso, nakakasawa na rin.


Dahil sa kalupitan ng boredom, madalas kong ine-encourage ang sarili ko na magpakasaya at maging normal. Napapadalas ang panonood ko ng mga pelikula. Minsan sa sinehan with my friends, mas madalas sa bahay kung saan marami akong nahihiram na dvd's sa pinsan ko. Lubhang nababawasan ang nararamdaman kong stress pag nakakapanood ako. Kaya hanggang ngayon, di pa rin mawaglit sa isip ko si Elijah Wood. MAHAL KO SIYA!!!!


Dahil madalas ko ring mamiss ang mga dati kong ka-tranche, minabuti naming lumabas labas kahit once a week. Madalas kasing di nagtutugma ang scheds namin. Kaya minsan may mga nagsasacrifice ng time. Ang saya ng kwentuhan pag buo na naman ang barkadahan ng Tranche 7. Madalas, kumakain kami sa Tapsilugan tapos, tuloy na yun sa Starbucks. Nakakaloka nga pati yung mga boylets namin eh natuto na ring magkape kape. hahahaha.


Speaking of which, isa na lang at puno na ang card ko sa Starbucks. Ilang araw din akong nagkakape para lang makakuha ng Starbucks Planner na yan. ISA NA LANG. Nararamdaman kong bukas eh makukuha ko na yun. Di ako papayag na di ako makauwi ng walang dalang planner.


namimiss ko na mag blog. Parati akong walang time. Ang dami ko pa namang gustong ikwento. Sisikapin kong dalasan ang pagsulat. Hay.


Malapit na nga pala ang ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh. Napanood ko yung trailer sa sinehan kahapon. Lubha akong naexcite! Wooohooo!</P

linkTalo o Panalo?

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]