?

Log in

No account? Create an account
Pagmumunimuni. - The Ultimate Drama Queen... — LiveJournal [entries|archive|friends|userinfo]
Tarush!

[ other platform | a YES person, living in a NO environment. ]
[ ZEEno? | si ZEE ]
[ mga dating cheka | CHEKA ]

Pagmumunimuni. [Dec. 4th, 2006|09:17 am]
♥ i am Zee.
[Ako'y |crappycrappy]
[Awit Ko |Doon - Kjwan]

Hay. Minsan nakakatamad talaga ang buhay. Lalo na pag ganun at ganun din naman ang ginagawa mo sa inaraw araw. Masaya naman ako sa trabaho ko. Minsan lang nakakahassle pero ok naman. Nakakaraos din. Buti na lang, motivation ko yung friends ko. Siguro kung di rin sa kanila, di na rin ako tatagal sa industriyang pinasok ko. Chos! Pero seryoso, nakakasawa na rin.


Dahil sa kalupitan ng boredom, madalas kong ine-encourage ang sarili ko na magpakasaya at maging normal. Napapadalas ang panonood ko ng mga pelikula. Minsan sa sinehan with my friends, mas madalas sa bahay kung saan marami akong nahihiram na dvd's sa pinsan ko. Lubhang nababawasan ang nararamdaman kong stress pag nakakapanood ako. Kaya hanggang ngayon, di pa rin mawaglit sa isip ko si Elijah Wood. MAHAL KO SIYA!!!!


Dahil madalas ko ring mamiss ang mga dati kong ka-tranche, minabuti naming lumabas labas kahit once a week. Madalas kasing di nagtutugma ang scheds namin. Kaya minsan may mga nagsasacrifice ng time. Ang saya ng kwentuhan pag buo na naman ang barkadahan ng Tranche 7. Madalas, kumakain kami sa Tapsilugan tapos, tuloy na yun sa Starbucks. Nakakaloka nga pati yung mga boylets namin eh natuto na ring magkape kape. hahahaha.


Speaking of which, isa na lang at puno na ang card ko sa Starbucks. Ilang araw din akong nagkakape para lang makakuha ng Starbucks Planner na yan. ISA NA LANG. Nararamdaman kong bukas eh makukuha ko na yun. Di ako papayag na di ako makauwi ng walang dalang planner.


namimiss ko na mag blog. Parati akong walang time. Ang dami ko pa namang gustong ikwento. Sisikapin kong dalasan ang pagsulat. Hay.


Malapit na nga pala ang ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh. Napanood ko yung trailer sa sinehan kahapon. Lubha akong naexcite! Wooohooo!</P

linkReply