♥ i am Zee. (bachelor_gurl) wrote,
♥ i am Zee.
bachelor_gurl

  • Mood:
  • Music:

Ishtarbaks.

Sa wakassssss! Matapos ang araw araw na pagtambay at pagkakape, nakuha ko na rin ang premyo ko. Nakakatuwa naman. Di ko akalain na mapupuno ko within a month. Mabagal pa nga ako sa lagay na yun eh. Hay. Ang lakas ko talaga magkape. Pero hayaan mo na. Masaya naman ako. 


Tuwang tuwa ako sa mga bago kong "coffee buddies". Sila Arvin at J. Di naman talaga nagkakape pero mukhang naaadik na rin. Nahawa na sa kahibangan namin nila Gladys. Aba, VENTI pa ang order! Napapadalas na ah. Lagot pag nalaman ng mga asawa nila. Walang pang gas, pero may pang kape. hahahahahaha!


Tapos na ang misyon ko sa Starbucks, ibig sabihin ba ay magbabalik loob na ko sa Seattle's Best? Namiss ko rin yung White Choco Mocha nila. :) 

Tags: coffee, love
Subscribe
  • Post a new comment

    Error

    default userpic
    When you submit the form an invisible reCAPTCHA check will be performed.
    You must follow the Privacy Policy and Google Terms of use.
  • 10 comments