?

Log in

No account? Create an account
Realidad. - The Ultimate Drama Queen... — LiveJournal [entries|archive|friends|userinfo]
Tarush!

[ other platform | a YES person, living in a NO environment. ]
[ ZEEno? | si ZEE ]
[ mga dating cheka | CHEKA ]

Realidad. [Dec. 11th, 2006|10:09 am]
♥ i am Zee.
Tama nga si Ada ng sambitin nyang "Sa buhay, may mga bagay na di natin maipaliwanag... Gayunpaman, tuloy-tuloy ang buhay. Minsa'y hindi mahalagang malaman pa ang dahilan. Basta nangyayari na lang. Tapos..." Ang dami na namang kaganapang nakakabulahaw sa buhay ko at ng mga kaibigan ko. Iniisip ko nalang, normal naman ang mag away at magkasagutan diba? Yung magkatampuhan at di magkaunawaan. Pero sana, kahit ganun ang pinagdadaanan, maayos pa rin. Sayang naman yung pinagsamahan, tapos matatapos na lang bigla ng dahil lang sa selosan. Hay.

Masaya kahapon. Naisip kong umattend ng Starbucks Party sa ATC. Di nakadalo ang mga kumare kong sila Gladys at Dyown. Pero buti na lang at nandun naman ang mga kaibigan kong sila Marky at Tarah. Medyo seryoso ang usapan, pero buti na lang nung naglaon, masaya na. Ang sarap nung mga libreng pastries. Syempre, sinamantala ko ang pakay ko. Yung free food and drinks! hahahaha. At shetness kasi sa katabing table namin nakaupo si Nathan Azarcon at yung dyowa nyang tisay. Ang gwapooo nya! Si Nathan ha, hindi yung tisay.

Ang outlet ko ngayon pag nadedepress ako eh ay ang pagbili ng kung anek anek. Maliban sa paggasta ko sa kape (tanging kaligayahan), eh napapabili na naman ako ng mga bagay na di naman madaliang kinakailangan. Hay. Nung isang araw, bumili ako ng bagong wallet. Kahit may wallet pa ko, para bang may malakas na pwersa na humila sakin para bumili. Ok naman. Ah,oo nga pala, bago na naman yung pabango ko. Oo, ubos na yung UCB Inferno Pink. Sabi sayo eh, di magtatagal mapapataob ko yun. Ngayon, Clinique Happy Heart naman ang favango kech. Umaapaw na 3,800php ang bayarin ko dahil dun. Kamusta na ko? Bumili rin ako ng bagong sapatos kahapon habang naglilibot. Parang natipuhan ko lang. Yun, bumili agad ako. Namagnet pa ko sa All Flip Flops, pero di ko nga ba alam kung swerte ba o hinda na wala nang size nung type ko na Havaianas. Pero buo na ang isip ko, babalikan ko yun next week. Ang ganda, potah! Mura pa. Saka mukhang ginamit na naman ng nanay ko sa paglalaba yung isa kong Havaianas. Feeling ko lang ha. Di naman ako nambibintang.

Namili na rin ako ng unang set ng regalo ko sa Pasko. Ang sarap palang mag shopping para sa mga mahal mo sa buhay. Pero mas masarap yung kung may sapat kang pera. Yung di mo iisipin yung presyo. Basta ang gusto mo yung maibigay yung hiling talaga nila. So far, may regalo na ko kila Joie at Busie. Pero balak ko pa rin silang regaluhan ng gitara. Baka sa Sabado, umpisahan ko na ulit mamili. Nagyayaya sila Marky sa 168 o kaya sa Greenhills. Bahala na.

Inaayos ko pa yung Wishlist ko ngayong Christmas. Sana lang matanggap ko lahat ng nasa list na yun.

Malapit na yung paborito kong play. (Halata naman diba? Wahahahaha) Paghahandaan ko yun kasi di ko yun pwedeng palampasin. Isa akong deboto ni ZsaZsa Zaturnnah. At nakapanata na ko kay Carlo Vergara na lagi akong manonood.Ayus! :)
linkReply

Comments:
[User Picture]From: tymeless
2006-12-12 03:59 pm (UTC)
Hi! I just googled Zsa Zsa Zaturnnah and your blogs here in LJ and Multiply keep turning up. I seem to have found a fan. You also into theatre too? Hope you don't mind if I add you. =)

Hahaha, actually, di ko pa napapanood yung musical, kaya medyo excited ako panoorin yung restaging in January.
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: bachelor_gurl
2006-12-13 01:57 am (UTC)
haloo!
hahaha. halata ba sa pagkadeboto? :) pasensya na ha. i super super super love Zaturnnah kasi. From the comicbook, to the stage play (at sana di naman ako madisapppoint sa moveeh!), pati yung cast at syempre si Carlooo! ang dami kong naging friends dahil kay ZsaZsa. :) at syempre isa ka na rin dun :) i love theatre plays din kasi saka i had a chance to work for Zaturnnah Ze Muzikal Prod then for my internship. kaya lalo tuloy akong naadik! hahaha

sige kita kits tayo sa January ha. Baka manood ako 21 and 28. sundays yun pareho.

what's your name btw?
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: tymeless
2006-12-13 01:48 pm (UTC)
Oooh, yay! I found another fan of theatre. =) Hahaha, addict ako sa kahit anong related sa theater. Ang saya naman, nag-intern ka pala sa kanila. Masaya nga mag-work sa isang prod. I work for different theater companies, and this year lang ako nakakilala talaga ng mga tao from Tanghalang Pilipino. I was in their acting workshop this past summer kasi.

Oh, my name's Hogi, by the way. Hahaha, that's what all my friends call me. =)

Sige, kitakits sa January! Balak ko manood ng open DTR and a couple of the actual shows sa run. Hopefully I'll luck out and get to watch sa isang Sunday.

By the way, when Jerald (Father Bernie) had googled his name, he came across your LJ and Multiply din. =) Well, that's what I think. Sabi lang nya sakin na "may nahanap ako na site na nagsabi na merong may crush sakin." Hahaha!
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: bachelor_gurl
2006-12-14 05:41 am (UTC)
Hi Hogi! how do you promounce that anyway? Ho-gee or Ho-jee? I think my common friend tayo. si Tin. :)

anywho, ang saya manood ng DTR. :) nung 3rd run nakanood ako. closed set yun actually mga 7 lang kami na nandun. ang saya. sinali pa kami sa ilang scenes! specifically yung lalabanan yung mga zombies. hahaha. ang gulo. ako baka yung 2 sundays. baka di na kasi maulit. masyado kong mamimiss. :) saka sobrang miss ko na talaga. sana magkita tayo.

about Jerald, kapatid ko yung may crush sa kanya. :)

Ako nga pala si Zshali. But you can call me Zee.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: tymeless
2006-12-14 12:55 pm (UTC)
It's pronounced Ho-gee, hehe. Think Yogi Bear, pero H instead of Y. =)
Yep, si Tin! Ahahaha, andito na rin pala sya, nag-comment pa.
Manood din tayo ng DTR, hahaha! Baka ma-miss ko rin ang show pagkatapos ko mapanood itong run na to.

Haha, ayun, yung yata yung pinag-uusapan nya na may crush daw sa kanya. Ano ba yan, talagang yun pa ang nahanap online tungkol sa sarili nya, hahaha. O_o

Nice name ah, ang unique. =)
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: bachelor_gurl
2006-12-17 02:15 am (UTC)
Cute din ng name mo! basta kita kits tayo.
ZsaZsa na to!!!! :)
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2006-12-14 09:04 am (UTC)

ang kyut

ako yata ung TIN...! =p

hello zee!!! malapit na zsa zsa yehey...eto na tlga chance natin mag meet, ayan binigyan pa tau ng isang common friend!

ate howgzzz. apir naman jan. =p

(Reply) (Thread)
[User Picture]From: bachelor_gurl
2006-12-17 02:13 am (UTC)

Re: ang kyut

oo nga eh. ang bait talaga ni Zsazsa Zaturnnah, dinadagdagan parati ang mga kaibigan ko.

sige kita kits tayo sa January. kelan ba DTR? may pasok kasi ako pag weekdays. malabo ang sched ko. basta pag nagkataon kita kita tayo.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: tymeless
2006-12-17 05:25 am (UTC)

Re: ang kyut

Sa January 18 (Thursday) daw yung open DTR. =)
(Reply) (Parent) (Thread)