?

Log in

No account? Create an account
Yo-Zee - The Ultimate Drama Queen... — LiveJournal [entries|archive|friends|userinfo]
Tarush!

[ other platform | a YES person, living in a NO environment. ]
[ ZEEno? | si ZEE ]
[ mga dating cheka | CHEKA ]

Yo-Zee [Jan. 12th, 2007|08:39 am]
♥ i am Zee.
[Tags|, ]
[Ako'y |rejuvenatedadik!]
[Awit Ko |Irreplaceable - Beyonce]

Ang bisyo talaga pag nasimulan mo na, ang hirap na tanggalin. Kahit anong gawin mong pigil, go nang go pa rin. Hay naku, ewan ko nga ba. Bakit ganun? Ang yosi parang Pringles, "once you pop, you can't stop!" Tangna, tuwing magkakapera na lang ako, sa yosi nauubos ang anda ko. Alam mo yun, basta may yosi, ayus na. Meron ako parating reserba sa bag ko. Mahirap nang maubusan. Nakakatawa nga eh. Kasi tuwing nasa work ako, parating nasa may tabi na ng computer ko ang yosi. Para ready na pag break time. Di na kailangang pumunta pa sa locker para kunin sa bag. Kaya minsan nakakaloka pag yung mga teammates ko nagsasawa sa yosi, sakin inaabot. Minsan tuloy dalawa o tatlong kaha yung nasa station ko.</p>

Isang beses, nung ISD pa lang namin, pinasalubungan ako ng friend kong si Arvin ng isang kaha ng Salem. Sa totoo lang di ako gumagamit ng brand na yun. Pero, gora pa rin. Sayang ang grasya eh. Saka imported. hahahaha. Tapos, si Rheena rin, napagtripan lang bumili ng Marlboro. Parati nya kasing pinapangako sa sarili nya na di na sya magyoyosi pero lagi syang naiinggit samin pag nandun na kami sa yosihan. Ang ending, sakin din napunta yung isang kaha. Tapos nung New Year, sa dahilang masyado nang blue ang outfit nya lahat sa kanya, (FYI: teeshirt, pants, shoes, bag, AT YOSI!) naisipang ibigay samin (na sa huli sakin din napunta) ni Chase, ang kulay blue nya na Dunhill. Nakakaloka!


Di rin ako maselan sa yosi. Pag may anda, naku, paborito ko yung Dunhill Lights saka West Ice. Pag yun ang yosi ko, malamang akinse o atrenta. (gets? hahahaha) Pero pwede rin akong Marlboro o Winston. Pag Marlboro kahit ano oks lang. Reds, Lights o Menthol pa yan, gora! Pag yan ang yosi ko, malamang napadalas na naman ang pag inom ko ng kape. At minsan, binibigyan ako ni Taraa ng paborito nyang yosi na Vogue. Ganun rin si Mareng Gladys na binibigyan ako ng Capri, na di ko masyado trip. Ayoko ng mga slim na yosi, Parang di ko mafeel. Parang di sila totoo. Hahahahahaha.


Pero, may mga yosi rin pala na nakakabwisit. Tulad ng DJ MIX. Ang chaka ng lasa. Parang pochi na binilot sa papel at sinindihan ng Cricket lighter. Hahahahaha. Tangna, di na ko ulit bibili nun. Bwizeth!


Kanina, bumili ako ng Dunhill Senses Frost. Kaya ngayon, wala na akong pera. 

linkReply