cofiheart

Wag Kang Bibitiw.

    


Three months had passed... 2 weeks at CORE learning the right way to communicate, dictate and pronounce with PERRY, CLAUDE and ANDRE. 5 grueling weeks trying to ingest a lot of   product information, and fight fear during hot seats with ANGIE and HEIDI. 5 fun, super eassssy, crazy days of calls with BOB, TINA and KRISLY. And finally, finally our first day at OPS. I'm so proud of Tranche 7 for going this far. Although some decided to go, still in the end 19 stayed.

 

CONGRATULATIONS TRANCHE 7 FOR MAKING IT TO OPERATIONS! REMEMBER MAKE REFERRALS, EXCELLENT PEOPLE! :) 


cofiheart

RISK.

Kanina pang naka-alis ang taxi na naghatid sakin sa lugar na ito. Nararamdaman ko na kakaiba na ang tingin sakin ng mga tao na napapadaan at unti-unti na ring nagsisimulang sumakit ang paa ko sa tagal ko ng nakatayo sa pwestong ito. kanina ko pang tinititigan ang pinto - ang pinto ng bar na nasa harap ko. kung magiging totoo ang mga kasabihan at biruan ay kanina pa sigurong natunaw ang pintong ito. naka-ilang beses ko na ring pinilit na itulak ang aking katawan papasok ngunit tila ako'y isang manhid at nakadikit parin sa aking kinatatayuan. unti-unting bumukas ang pinto at lumabas ang isang pamilyar na mukha at ng ako'y nasilayan ay bigla itong napangiti.hindi magkamayaw ang mga ingay na aking naririnig. sari-sari ang kwentuhan ng mga taong nasa paligid. ngunit tila parang isang pelikula, biglang nilamon ng katahimikan ang mga ito ng ako'y nilapitan nya.

"uy," bati nya sabay tapik sa aking balikat. "kanina ka pa ba dyan?"

makailang beses din akong napakurap bago ako tumango at ngumiti.

"ang wirdo mo ngayon ah. tara, upo tayo dun. yosi lang ako." kaswal na sabi nya sabay hila sa kamay ko papunta sa isang bahagi ng kalsada. medyo malayo na to sa mga taong nagkukwentuhan.

para akong hinila pababa sa pag-upo ko sa sulok na yun. siguro dala na rin ng pagod sa matagal kong pagtayo kanina. maya-maya pa ay tumabi na sya sakin.

katahimikan.

inilabas nya ang lighter na may nakadikit na drawing ko na bigay ko sa kanya 2 weeks ago. sinindihan nya ang yosing kanina pang naka-balanse sa pagitan ng mga daliri nya. tinitigan ko ang mga kamay nya. napangisi ako. tamang ingay lang at napalingon sya pagkatapos pakawalan ang usok na mula sa kanyang mga labi. hindi ko gustong nagyoyosi sya pero may kung anong emosyong bumabalot sakin ng mga oras na yun kaya parang ninamnam ko na lang ang pagyoyosi nya.

napansin nya yata ang pagiisip ko.

"sorry ah. 'lam mo naman di talaga ako nagyoyosi sa harap mo," tumango lang ako. "bakit ang tahimik mo?"

"wala lang."

"ano nga pala yung sasabihin mo sakin?" nakatitig na sya sakin ngayon. putang ina. ang ganda ng mga mata nya. at nakikisama pa yata ang gabi dahil sa tamang ilaw na tumatama sa mukha nya ay lalo syang nanginigibabaw sa paningin ko. mukhang medyo may amats na sya. amoy beer. nakakatawa mang isipin pero nalalasing ako sa amoy nya - sa magandang paraan.

"kasi..." napalunok ako. hinithit nya ng malalim ang yosi. pagkatapos nyang bumuga, tumango sya sakin - senyales na ituloy ko lang ang kwento. "alam mo yung usapan natin dati tungkol sa pagte-take ng risks..."

"oo. na sabi mo walang mangyayari kung hindi magte-take ng risks..." nakatitig lang sya. parang nagtutumbling ang puso ko. maya-maya kinuha nya yung kamay ko. parang kaswal lang. sabay sandal ng ulo nya sa balikat ko. "o, anong tungkol dun?" tangina parang nagsisimula ng kumanta si billy corgan ng Tonight,Tonight sa background.

eto na...

"gusto ko mag-take ng risk pero natatakot ako sa magiging sagot..." bumuntong hininga ako. "ang hirap pala."

"kami na."

natigilan ako. pati paghinga ko tumigil saglit. seryoso.

"ha?" nagsisimula ng mamuo ang kaba ko.

umayos na sya ng upo. nakatitig na ulit sya sakin. parang hinahanap nya ang mga mata ko kaya umiwas ako agad ng tingin dahil alam kong makikita ko ang sagot sa tanong ko sa mga mata nya bago pa man sya makapagsalita. "si Maya, kami na." napangisi sya sandali. "...kasi ginawa ko na yung risk na yan. gusto ko ikaw una maka-alam."

katahimikan.

"kaya kung ako sayo. tuloy mo lang yan." pagpapatuloy nya sabay tapak sa upos ng yosing kanina lang ay masayang naka-balanse sa kamay nya. maya-maya pa, marahan nyang pinisil ang kamay ko at pinakawalan. binuga nya ang huling usok. namumuo na ang luha sa mata ko. tumingin ako palayo.

"o, bakit?"

"wala. yung usok kasi ng yosi mo..." napatawa lang sya sabay nguya ng bubble gum.

"o, ano itutuloy mo na ba?" tanong nya sabay tayo. nasa harap ko na ang kamay nya.

inabot ko ito at hinila nya ako patayo. nang hindi ako sumagot ay natigilan sya sandali. niyakap ko ang braso nya. "masaya ka ba?" tanong ko.

hinimas nya ang ulo ko. "oo naman," ngumiti sya. ang ngiting ni minsan ay hindi magiging para sa akin. "masayang masaya."

tumango ako.

masaya na sya.

ayos na rin ako.

---------------------------------------

isinulat ng malikhaing kamay ni MASAYA. dood, nais kong malaman mo, na napaisip ako sa risk na 'to. pero naisip ko rin naman, intayin ko na lang. malay mo, ako pala si Maya sa istorya. devah?!!!! hehehe. PANALO!
  • Current Music
    Focus - Kjwan
cofiheart

Nang Ako'y Nag-Tree Planting.

Isa lamang pong paalala: Huwag magsuot ng Vans kung aakyat ng matarik na bundok. Hindi ito angkop.

So, jumoin ako sa isang tree planting activity na inisponsoran ng Ech Es Be Si. Gora ako kahit di sumama lahat ng aking tranchemates. Syempre gusto ko kahit bago pa lang akech, gumogora ako sa mga extra curricular activities devah?! So, go go go naman ako, at ang outfit ko eh last minute ko nang pinag-isipan. Sabi ng mahal kong mudraks, wag ako magsuot ng tsinelas kasi mapuputikan ang paa ko. At isinuggest nya na ako'y mag-rubber shoes. Eh di dahil naman sa isa akong ulirang junakis eh di may I obey akech. So, isinuot ko ang unang sapatos na nakita ko(kasi malelate na rin ang byuti kech!), ang Vans ng kapatid kong si Dupsie.

Nang kami ay nasa Norzegaraya (o kung saan man yun. Nalimutan ko. hehehehe) na, ok naman ang pag akyat akyat maliban sa naramdaman kong hapo at pananakit ng aking mga paa. Sabi ng aking pinakamamahal na trainor na si Claude, mas madali daw ang pagbaba. Eh di, natuwachings ever ako kasi ganun naman pala. Ngunit ng nasa kalagitnaan na ng aming paglalakbay pababa... BLOG! Kamusta naman yung nadulas. At wait! Di lang yan! Hindi lang isang beses naslip slip ang lola mo! Kundi 3! Oo, mga kafatid, 3 beses akong napahiya. Pero ok lang. Walang pakialam ang byuti ko kahit obvious na obvious na kapit na kapit ako sa mga kawayang nasa paligid. At kahit iniwan ako ng aking mga katoto ay gora pa rin ako. Aba, at ng nasa patag na ko, kamusta naman yung palakpakan ka diba! Ang tarush tarush nun. At pinangunahan pa ito ng napakaloko napakabuti kong trainor na si Perry. At dahil dun, ninenokan ko sya ng isang yosi. Um. Ano ka! Hehe.

Sa bus, masayang masayang inannounce ni Claude na ako raw ang nanalo ng Most Fall for the Day Award sabay abot ng gigantic na Toblerone. Ay! Sosyal! May premyo pa! Kaloka! Kaya natuwa na ako.Hihihihihihihi.

Aking napagtanto na, pag nagtsinelas ka sa pagakyat sa kabundukan, mapuputikan ang paa mo. Pero pag nagsapatos ka, buong katawan mo madumi. Kamusta naman yun? Sa susunod, susubukan ko naman mag stillettos. Why not? Poknat!

cofiheart

Vagong Favango.

Nagtext ang mudra kanina habang ako ay nasa work pa. Sabi nya:

"Uy, gusto mo ng pabango? Ikinuha kita kay Menchie. Benetton. P1800."

eh di natuwa akez. Kasi yung mudraks ko, sosyal talaga bumili ng pabango yan. Noong medyo carry pa nya, parati nya kong inoorder kay Tita Menchie (kaopisina at dealer ng imforted goods) ng Clinique Happy. Alam nya kasi na yun ang paborito ko ever. So gora lang yan kahit 3K ang isang bote. At syempre makapal ang mukha ko, nauubos ko yun sa loob ng isang buwan. No, di ko naman iniinom. Pero korak! Pinapaligo ko. Anyway, pag ubos na, magpapabili na naman akez. Ang bango bango ko talaga! Nasa kanto pa lang ako, naaamoy na ko sa kalapit baryo. Ganun ko katindi ipaligo ang Clinique.

Tapos nung medyo naka 3 bote na ko, napansin nya na umaabuso na ata akez. Itinigil na nya ang sustento ko ng Clinique Happy. Nakakalungkot kasi nagtiyaga ako sa baby cologne ever. Saka sa mga hingi hingi sa kaklase ko na may Baby Bench na pink. Tapos, di nagtagal, dumating ang mga kamag anakans namin from California, syempre chinorvah ko na gusto ko ng Clinique Happy. At napakafortunate ko at inuwian ako ng di lang Clinique Happy. Kumpleto in fairness! May Clinique Happy To Be at Clinique Happy Heart pa! AYOS! At sad to say kahit anong gawin kong pagtitipid ay naubos ko rin yun ng 2 buwan.

Nang maubusan na naman ako, syempre balik Kodomo (nabibili sa watsons. mura pero mabango) ang byuti ko. Ay, di ko na kinaya, dinekwat ko yung CK One ng mudra ko sa cabinet. KInatatago tago nya yun. Naka box pa nga eh. Kasi alam nya aaswangin ko. Eh sorry naman, nabigo sya. Ngayon, paubos na naman itech. Wala na syang nagawa kundi magpaubaya. Ang vaet no?

Then nagtext nga. Pagkarating ng bahay, inabot agad sakin ang favango. Inamoy amoy ko na! Ay! Type! Sabi kech:

"Thanks!"

Sabay gora. Tapos...

"P1800 yan. Bayaran mo sa payday."

Anakkanang... Ako pala magvavayad! Oh well. Ano pa nga ba? Pero in fairnezzz mabango. United Colors of Benetton Paradiso Inferno! Ang Tarush!

Sana naman maka attract itech ng mga fafah!

i love you

I ♥ Ech Es Be Si!

A week had passed and I can say I'm very much into my new "home". I never expected "work" to be that Fun with a capital F! Maybe that's because I'm still under training, and the "real" work isn't there yet. But what the heck! I made so many friends... again! oh my! i love my new set of friends... or should I say "colleagues" hahahaha! i'm lovin' that "colleague" term. seriously! Though i spent most of the breaks with the boys. No one's into serious smoking from the girls, so yah, I'm one of the boys.

The CORE training was basically the same with the training I had with John Clements. This time we're working on that "accent reduction" though. It was hard but fun at the same time. Good thing our trainors, Perry, Andre and Claude are patient enough. They're the coolest.

Graduation's on the 8th. Need to improve by then.

And I love love love the HSBC jingle.
  • Current Music
    Whenever, Wherever, Whatever - Maxwell
  • Tags
    ,
starbucks

First Taste of the Real World.

At last, after months and months of waiting I finally landed on a job. MY VERY FIRST JOB EVER! One of my greatest accomplishments so far. Ang babaw, pero totoo. I am really really happy. Now I can help my family with the finances. And I can spend MY OWN FRIGGIN' MONEY! At last!

I have been through a whole lot of process, and all of that paid off. I am glad that I did not disappoint my mom, my trainor, my co-trainess and of course myself.

I signed my contract last Thursday for HSBC. And I will start this Monday.
Oh, what a joy!

:)
  • Current Music
    If You Ask Me To - MYMP
  • Tags
    ,
cofiheart

Zaturnnah Ze Muzikal, Nominated for the 19th Annual Aliw Awards

Last night, I recieved a text message from Tuxqs, informing me that ZsaZsa Ze Muzikal recieved several nominations for the 19th Annual Aliw Awards.

Best Musical Production - ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal

Best Stage Actor (Musical) - Tuxqs Rutaquio

Best Stage Actress (Musical) - Eula Valdes

Awards night is on Thursday, the 31st of August at Manila Hotel's Fiesta Pavillion.

Goodluck at ihanda na ang gown! :D
i love you

I Love JCCI!

After my 4 week training at John Clements, I can definitely say that I've learned and improved a lot. My listening skills, the way i deal with people, the way i answer questions, the way i speak, and the way i look towards life. It wasn't just the experience itself but the bond i created with my co-trainees. The 4 weeks that we've been together felt like a lifetime knowing them. That's why tears couldn't stop falling when we had our graduation last Thursday. Weird, 'cause we'll still see each other but, WALANG NAKAPIGIL SA DRAMA! hahaha. I led the Opening Remarks, which was really embarassing. I was just starting to read from my "leakage" hahahaha, when tears started welling from my eyes. These people have been really special to me, maybe that's the reason why. Hay.

Oh well, I wanna quote myself, "This training is definitely a part of whatever I will become in the future." --- And I mean that.

I'll just miss my co-trainess. I'm sure!

Jesmar - he's SMART but he's LAZY! hahaha. he's the gigolo of the group according to Ms. Marvie, our beloved trainor. You'll never see him not smiling. That's because he's too JOYful! hahahahaha!

Andrew - was the soon to be schizo! hahaha! joke! he's the loudest and craziest from the bunch. I never really liked him the first time i met him, but after hearing his life story, HE DEFINITELY GAINED MY RESPECT! he's one of the strongest persons i know. i know he'll make it somewhere. i'm sure! :)

Princess - was a 40 year old woman trapped in a 19 year old body. She makes it a point that whenever we discuss something, her opinions are regarded. She has a lot of comments on things that will sometimes trigger an argument between her and the boys. But I am really amazed with her being liberated. She's stRRRRRRong! hahaha!

Mommy Leah - she was definitely our mom in the group. She's a Hot Momma at that! She's an example of a cool mom. She's 37 mind you but she doesn't look like one. I love her to bits!

Joy - was a beautiful lady. She can be violent at times, but she insisted that that is her way of showing her affection ( especially with Jesmar haha). She's also smart and she speaks her mind. And boys, she has the body to die for! yay! :)

Regie - was one of the weakest. She has this tendency of pitying herself. Although she's also one of the funniest people I've known. She can make me laugh any day.

Brye - had been to a lot already. His experiences had brought him a lot of lessons that he never failed to share with us. He's willing to learn from his mistakes which is one of his good traits. And he's a good guitarist!

Heidi - (not in the picture) was one of my very first friends in the training. It's not hard to please her. She's very light and bubbly. And we enjoy laughing out loud together. She's a great cook, and man, her boyfriend is a HOTTIE! awwww! hahahahaha!

Maynard - (not in the picture) was my best buddy! He is strong. He may not look like it on the outside but definitely very strong in the inside. What he has been through had taught him a lesson as well as I.

Coy - (not in the picture) was a beautiful (Dina Bonnevie look alike), strong, congenial woman! She's one of the best in class. And she's real fun to be with!

Zeny - (not in the picture) was the class clown. She made sure everyone was really happy. Hahahahaha! I would never forget her stories. Promise!

Ms. Tess - (not in the picture) was the most timid. She can be shy but she really spoke well.

hay. I will surely miss this.

I have to get ready for my interview with HSBC. I'm nervous.
Pray for me, kids! :)

cOckroach cancer

Ibalik ang BATIBOT!

"Pag mulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot, sa Batibot..."
Eh pano kung pagmulat ng mata eh di mo na makitang nakatawa ang langit sa Batibot?

Minsan, parang inaatake ako ng nostalgia. Parang gusto kong balikan yung mga masasayang memories ko nung bata. 'Pag pinipilit kong alalahanin yung childhood ko, di pwedeng hindi ko maaalala yung paborito kong programa 'pag 10:30 ng umaga. Ano pa eh di yung Batibot! Ito na yata ang pinakamasayang programang pambata nung kapanahunan ko. At di lang yan, marami ka pang matututunan sa panonood mo nito. Matututo kang magbasa, mag-spell, kumanta, sumayaw, magbilang, magdrawing, mag-imagine, mag-laro, maging magalang, makipagkaibigan, mag-ehersisyo at kung anu ano pa.

Syempre, 'pag pinag-uusapan ang Batibot, di pwedeng di mo maaalala ang mga mentors sa programa. Pinakasikat na ata dito si Kuya Bodjie. Dati pag narinig mo ang salitang Batibot, maiiisip mo agad si Kuya Bodjie. Ang galing galing nya magkwento. Parang maiimagine mo talaga yung mga pinagsasasabi nya. Sa kanya ko rin natutunan magbilang dati. Saka yung mga ilang sagot sa mga mahihirap na bugtong. Naaalala ko yung Puno na may mga apples tapos, sa loob ng mga bunga na pipitasin ni Kuya Bodjie, nakalagay yung mga sagot sa tanong nya! Angas!

Si Kuya Dwight din paborito ko dati. Lagi sa kanya napupunta yung mga nakakatawang roles. Yung mga nakakahiya na di nila pwedeng ipagawa kay Kuya Bodjie, kasi mawawalan ng respeto yung mga bata sa kanya pag nagkataon. Paborito ko yung segment nya sa Batibot na nagsslide sya dun sa higanteng dila sa bibig ng payaso. Tapos nagddrawing ata sya dun. Tapos meron syang "Petot Petot", yung ginagamit ng mga nagtitinda ng pandesal sa umaga. Yung maingay. Di ko alam yung tawag eh. hehe.

Syempre paborito ko rin si Ate Jojie. Isa kasi sa gusto ko sa Batibot yung Palaisipan. Yung may illustration board na may border na mga questionmark. Astig yun. Tapos, gustong gusto ko pag nagdidikit sya sa board na yun ng mga kung anu ano. Pilit ko ngang ginagaya yun dati gamit ng mga luma kong test folder. Lately ko lang nalaman na hindi pala Jojie ang totoong pangalan ni Ate Jojie. Nung nanood kasi ako ng Sandalang Bahay Adrianna Agcaoili pala.Medyo nalungkot ako kasi ilang taon din nya ko naloko nung bata ako. Napaniwala nya ko na sya si Ate Jojie. Pero ok lang. Naalala ko kasi pag artista ka dapat nga pala meron kang screen name. hehe.

At walang Batibot kung wala ang tandem nila Pong Pagong at Kiko Matsing! Sila ang lubos na nagpapasaya sa programa. Ang cute cute ni Pong! Minsan naririnig ko pa rin ang matinis nyang boses sa aking isipan. At mga kaibigan, tanggap ko na, na pati ang paborito kong mascot eh isa ring BAKLA! Matagal ko ring pinag isipan kung bakla nga ba si Pong Pagong ha! Maaari! Si Kiko Matsing naman eh napaka mysterious. Nung bata ako, lagi kong iniisip kung bakit kaya laging nakatago ang paa nya. At madalas pag nagyayaya sila Kuya Bodjie maglaro sa plaza, eh nagpapaiwan na lang sya dun sa pwesto nya. Akala ko baldado sya eh, o kaya di sya sociable. Lately ko lang narealize na, tanga lang pala ko. Sinubukan din ng staff na lagyan ng paa si Kiko. Para makasama din sya sa mga out of town ng barkada. Sumobra naman ata kasi naging kasinglaki naman sya ni Pong Pagong nung nagka paa sya. At least nakakasayaw na sya ng "I Saw the Sign" ng Ace of Base 'pag may children's party.



Hay naku, sino bang di makakaalala kay Irma Daldal? Naalala ko yung malapad nyang bunganga. Tapos paborito ko yung kanta nyang "Da Da Da Isda". Panalo yun. Favorite song ko yun nung bata ako.







At di ko rin syempre makakalimutan ang mga iba pang puppets. Sila Manang Bola, Kapitan Basa, Sitsiritsit at Alibambang at NingNing at GingGing.

At di ko makakalimutan kahit kailan ang mga kantang natutunan ko sa Batibot. Mga kantang hanggang ngayon eh kabisado ko pa at kinakanta.

Habambuhay ko na sigurong maaalala ang Batibot. Nakatatak na siguro yun sa puso't isipan ng bawat batang Pilipino ng aking henerasyon. Kahit ano pang ibang educational show na dumating, wala nang makahihigit o makakapalit sa Batibot!

Pero, di lang pala ako ang nag iisang may gustong ibalik ang Batibot.



Kaya kung isa ka rin, sumali ka sa kampanyang ito. :)

Hanggang sa muli! Paalam!
  • Current Music
    Ako Ay Kapitbahay - Mamang Pulis
  • Tags